Monday, February 18, 2008

Oras at Kalawakan ng Di-pagkakadugtung-dugtong

"Inday! Nakita mo ba ang wallet ko? Paki-hanap nga!...!" Iyan ang nakakayanig kong sigaw umaumaga na lang sa mahal kong Inday dahil hindi ko nanaman makita ang wallet kong tila "jumper" kung tumakas. Pangkaraniwang gawain na ni Inday ang maghanap ng aking wallet, cellphone, susi, kama, unan, ref, oven at iba-iba pa sapagkat natanggap niya na ring tumatanda na nga talaga ako. Tila sumuko na nga talaga siya sa madalas naming away kung saan pilit nya nanaman akong painumin ng Enervon Prime, Anlene, Cal-C aide at kung anu-ano pang mga inuming di patok sa aking EDAD! Minsan pa nga ay halos magsaksakan na kami ng pilitin niya akong painumin ng Pau D' Arco, Arthro at MX3. SHET!

Kahit-anong-daan(Anyway) sa tuwing hahanapin ni Inday ang wallet, cellphone, susi, kama, unan, ref at oven lagi niya itong nakikita s bandang huli na ng kanyang paghahanap. Bakit ganito ang palaging sinasapit ni Inday? Ako'y nag-isip. Nagtatanong sa kalawakan. Naghahanap ng kasagutan. Kung bakit ganoon ang kanyang kapalaran. BAKIT? Sinubok ko na ang Friendster, Youtube, almanac, Guiness at Newgrounds ngunit di nga talaga makakasagot ng iyong katanungan ang mga ito. Mabuti na lamang at nakilala ko si SERWAY (®Codizar) at ito ang sinabi nya: "Time travels in a one-way road"(Ang oras ay tumatakbo sa isang daanang kalsada lamang!). Ibig niyang sabihin ay uni-direksyonal ang takbo ng oras. *umilaw ang bumbilya!* Kaya naman pala di makita ni inday ang aking mga kagamitan sa gitna o simula ng paghahanap sapagkat di pwedeng maghanap ng gamit pabaliktad sa takbo ng oras. Dahil kung nagkataon magsasalpukan si Inday at ang oras! Ayaw ko naman na makitang nagkalasug-lasog ang katawan ni Inday sa kalsada ng ORAS. MALULUNKOT AKO.


Isa pang di ko mabang-bang sa mga sinabi ni Serway ay: "The past, Present and Future happens simultaneous;y". Ibig sabihin ang nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap ay sabay-sabaw(®Mancao) na nangyayari!. WHOA! isa nga talgang napakalaking WHOA! Ngunit ang konseptong ito ay simple lang naman talaga lalo na kung nakatapos ka ng Ph.D sa Inaplayang Pisika Meydyor sa Oras at Kalawakang di pagkakadugtung-dugtong. At heto ang aking pagpapaliwanag.


Ang ibig sabihin ni Serway, ang ginawa mo kahapon, ngayon, at bukas at nangyayari na ng sabay. Ginawa nga naman talagang madali ng oras ang ating buhay. Dahil sa kaganapang mga ito di mo na talagang kelangang gawin ang nais mo gawin bukas dahil nangyayari na siya ngayon. Ibig sabihin pwede ka ng gumawa ng iba! Mas OK hindi bah? SIMPLE! Ito rin ang dahilan kung saan merong Deja Vu. Ito ay dahil ang mangyayari pa ay talagang nangyari na kaya parang nauulit na ito. Ngunit di lahat ng mga kaganapan ay nagiging Deja Vu. Ito ay dahil sa tinatawag na MEMORY DENSITY. Iba iba kasi ang bigat ng mga pangyayari sa iyong isipan.



ARAL: huwag ng magbalak na gumawa ng bagay dahil ginagaa na iyan sa oras na iniisip
mo pa lang.

PS: Ang mga nasa () ay para maintindihan ninyo ang aking napakalawak na bukabularyo. Sinadya ng manunulat na nasabandang huli ang disclaimer.

Hindi-paningil(Disclaimer): Ang 'padikit'(post) na ito ay pawang opinyon laman. Ang sinumang mahuhulog at maniniwala ay biktima ng sariling katangahan at pagiging utu-uto. Ngunit ok lang naman sapagkat tunay ngang nakakapaniwala at nakakbilib ang mga kasulatan dito dahil pinag-aralanj din ng ilang taon ng henyong manunulat ang mga ideyang ipinasok sa padikit na ito. Nag-aral pa siya sa UNIVERSITY OF Massachusetts at ginawaran siya ng 'master's' at 'doctorate' degree sa "Inaplayang Pisika Meydyor sa Oras at Kalawakang di pagkakadugtung-dugtong. Nag-aral din siya ng "BLOGGING" sa Unibersidad ng Yale at Cambridge. Sa kasalukuyan ay nag-aaral siya sa Philippine Science High School SMC ng PILIPINO sa pamamahala ni Narita Nolasco. Ngunit bago pa naman maging puro 'di-paningil ang mailagay niya ay sisimulan niya na ang iskolarli na artikulo niya.

*Sana naman ay may natutunan kayo sa post na ito. Sana rin ay huwag kayong maniwala sa lahat ng inyong binasa. Huwag maging biktima ng sariling katangahan pero OK lang naman. HAHAHA. Sa susunod tuturuan ko naman kayo ng mga mas nakaklitong bagay at bibigyan natin ng kalinawan. Kung inyong ninanais pwede kayong mag'suggest' o magtanong. Ilagay nyo lamang ito sa comments. Sige hanggang sa susunod. Paalam!:P

5 comments:

NeoNix said...

Char naman ang blogging degree mo! I wonder, ito ba ang thesis mo sa degree na iyan? Making a blog.. hehehe.. If you want, I can help sa beautification sa blog mo... But then again, graduate ka na pala sa BLOGGING na course - self-study lang ako. :D

Chui ka talaga magsulat, Li! Feel ko mababagsak na ako sa FILIPINO ni Maam Naritz. Kasi loser talaga ako sa pinoy. Hahay, oh well. I am sure na no sweat sa iyo ang pagkuha ng mga degree mo kasi HENYO ka. IDOL!

maemae said...

wahahahaha

naniwala ako dun ha..hehehehe

Gerwin John D. Rodriguez said...

huh? anyway... :D LOTS jud ko! :((

Anonymous said...

tama ka talaga, linus. ang buhay ay sadyang ganyan. ngunit hindi. hindi ko maintindihan mayado ang filipino. kung maari lamang, ay maglagay ka ng ingles le translationes sa ibaba.

At sa aking pagpaalam, kawawa namn si Inday.

Comment ka sa blog nako, ha.

Anonymous said...

*masyado pala... (3rd sentence)