Monday, February 18, 2008

Oras at Kalawakan ng Di-pagkakadugtung-dugtong

"Inday! Nakita mo ba ang wallet ko? Paki-hanap nga!...!" Iyan ang nakakayanig kong sigaw umaumaga na lang sa mahal kong Inday dahil hindi ko nanaman makita ang wallet kong tila "jumper" kung tumakas. Pangkaraniwang gawain na ni Inday ang maghanap ng aking wallet, cellphone, susi, kama, unan, ref, oven at iba-iba pa sapagkat natanggap niya na ring tumatanda na nga talaga ako. Tila sumuko na nga talaga siya sa madalas naming away kung saan pilit nya nanaman akong painumin ng Enervon Prime, Anlene, Cal-C aide at kung anu-ano pang mga inuming di patok sa aking EDAD! Minsan pa nga ay halos magsaksakan na kami ng pilitin niya akong painumin ng Pau D' Arco, Arthro at MX3. SHET!

Kahit-anong-daan(Anyway) sa tuwing hahanapin ni Inday ang wallet, cellphone, susi, kama, unan, ref at oven lagi niya itong nakikita s bandang huli na ng kanyang paghahanap. Bakit ganito ang palaging sinasapit ni Inday? Ako'y nag-isip. Nagtatanong sa kalawakan. Naghahanap ng kasagutan. Kung bakit ganoon ang kanyang kapalaran. BAKIT? Sinubok ko na ang Friendster, Youtube, almanac, Guiness at Newgrounds ngunit di nga talaga makakasagot ng iyong katanungan ang mga ito. Mabuti na lamang at nakilala ko si SERWAY (®Codizar) at ito ang sinabi nya: "Time travels in a one-way road"(Ang oras ay tumatakbo sa isang daanang kalsada lamang!). Ibig niyang sabihin ay uni-direksyonal ang takbo ng oras. *umilaw ang bumbilya!* Kaya naman pala di makita ni inday ang aking mga kagamitan sa gitna o simula ng paghahanap sapagkat di pwedeng maghanap ng gamit pabaliktad sa takbo ng oras. Dahil kung nagkataon magsasalpukan si Inday at ang oras! Ayaw ko naman na makitang nagkalasug-lasog ang katawan ni Inday sa kalsada ng ORAS. MALULUNKOT AKO.


Isa pang di ko mabang-bang sa mga sinabi ni Serway ay: "The past, Present and Future happens simultaneous;y". Ibig sabihin ang nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap ay sabay-sabaw(®Mancao) na nangyayari!. WHOA! isa nga talgang napakalaking WHOA! Ngunit ang konseptong ito ay simple lang naman talaga lalo na kung nakatapos ka ng Ph.D sa Inaplayang Pisika Meydyor sa Oras at Kalawakang di pagkakadugtung-dugtong. At heto ang aking pagpapaliwanag.


Ang ibig sabihin ni Serway, ang ginawa mo kahapon, ngayon, at bukas at nangyayari na ng sabay. Ginawa nga naman talagang madali ng oras ang ating buhay. Dahil sa kaganapang mga ito di mo na talagang kelangang gawin ang nais mo gawin bukas dahil nangyayari na siya ngayon. Ibig sabihin pwede ka ng gumawa ng iba! Mas OK hindi bah? SIMPLE! Ito rin ang dahilan kung saan merong Deja Vu. Ito ay dahil ang mangyayari pa ay talagang nangyari na kaya parang nauulit na ito. Ngunit di lahat ng mga kaganapan ay nagiging Deja Vu. Ito ay dahil sa tinatawag na MEMORY DENSITY. Iba iba kasi ang bigat ng mga pangyayari sa iyong isipan.



ARAL: huwag ng magbalak na gumawa ng bagay dahil ginagaa na iyan sa oras na iniisip
mo pa lang.

PS: Ang mga nasa () ay para maintindihan ninyo ang aking napakalawak na bukabularyo. Sinadya ng manunulat na nasabandang huli ang disclaimer.

Hindi-paningil(Disclaimer): Ang 'padikit'(post) na ito ay pawang opinyon laman. Ang sinumang mahuhulog at maniniwala ay biktima ng sariling katangahan at pagiging utu-uto. Ngunit ok lang naman sapagkat tunay ngang nakakapaniwala at nakakbilib ang mga kasulatan dito dahil pinag-aralanj din ng ilang taon ng henyong manunulat ang mga ideyang ipinasok sa padikit na ito. Nag-aral pa siya sa UNIVERSITY OF Massachusetts at ginawaran siya ng 'master's' at 'doctorate' degree sa "Inaplayang Pisika Meydyor sa Oras at Kalawakang di pagkakadugtung-dugtong. Nag-aral din siya ng "BLOGGING" sa Unibersidad ng Yale at Cambridge. Sa kasalukuyan ay nag-aaral siya sa Philippine Science High School SMC ng PILIPINO sa pamamahala ni Narita Nolasco. Ngunit bago pa naman maging puro 'di-paningil ang mailagay niya ay sisimulan niya na ang iskolarli na artikulo niya.

*Sana naman ay may natutunan kayo sa post na ito. Sana rin ay huwag kayong maniwala sa lahat ng inyong binasa. Huwag maging biktima ng sariling katangahan pero OK lang naman. HAHAHA. Sa susunod tuturuan ko naman kayo ng mga mas nakaklitong bagay at bibigyan natin ng kalinawan. Kung inyong ninanais pwede kayong mag'suggest' o magtanong. Ilagay nyo lamang ito sa comments. Sige hanggang sa susunod. Paalam!:P

Friday, February 15, 2008

Patawad!

Sa aking mga masugid na tagahanga...
ako'y patawarin ninyo at di ko mai-popost ang sana'y ipost ko ngaun sapagkat nakalimutan ko ito sa aming klasrum. Dahil ito saa katamaran kong dalhin ang aking notebooj/binder araw-araw. Masakit man sa aking loob at alam ko sa inyo rin ngunit di tlga ito kakayanin. Mangangako na lamang ako naipopost ko ito sa susunod na linggo. Pangakong di yan mapapako!... Paumanhin po...
Ngunit para di kayo mabored...
LIBANGIN nyo nlng muna ang inyong mga sarili sa mga tanong na ito...

Why doesn't Tarzan have a beard?

Why do we press harder on a remote control when we know the batteries are flat?

Why do banks charge a fee on "insufficient funds" when they know there is not enough?

Why do Kamikaze pilots wear helmets?

Why does someone believe you when you say there are four billion stars, but check when you say the paint is wet?

Whose idea was it to put an "S" in the word "lisp"?

What is the speed of darkness?

Why is it that people say they "slept like a baby" when babies wake up every two hours?

If the temperature is zero outside today and it's going to be twice as cold tomorrow, how cold will it be?

Do married people live longer than single ones or does it only seem longer?

How is it that we put man on the moon before we figured out it would be a good idea to put wheels on luggage?

Why do people pay to go up tall buildings and then put money in binoculars to look at things on the ground?


Did you ever stop and wonder......

Who was the first person to look at a cow and say, "I think I’ll squeeze these pink dangly things here, and drink whatever comes out?"

Who was the first person to say, "See that chicken there... I'm gonna eat the next thing that comes outta its bum."

Why do toasters always have a setting so high that could burn the toast to a horrible crisp, which no decent human being would eat?

Why is there a light in the fridge and not in the freezer?

Why do people point to their wrist when asking for the time, but don't point to their bum when they ask where the bathroom is?

Why does your Obstetrician, Gynaecologist leave the room when you get undressed if they are going to look up there anyway?

Why does Goofy stand erect while Pluto remains on all fours? They're both dogs!



If quizzes are quizzical, what are tests?

If corn oil is made from corn, and vegetable oil is made from vegetables, then what is baby oil made from?

If electricity comes from electrons, does morality come from morons?

Why do the Alphabet song and Twinkle, Twinkle Little Star have the same tune?

Stop singing and read on……. Yes, it caught me too!


Do illiterate people get the full effect of Alphabet Soup?

Did you ever notice that when you blow in a dog's face, he gets mad at you, but when you take him on a car ride, he sticks his head out the window?

Does pushing the elevator button more than once make it arrive faster?


FROM:(http://www.spongefish.com/creations/5472-Questions-I-have-never-been-able-to-answer/steps/1)

SORRY ulit mga chong. :(

Monday, February 4, 2008

emoclew


Yelow! Maligayang pagbisita sa pinakapatok at pinaka "katok" na blog sa buong

mundo ang... ISPRIKITIKITIK! Dito sa blog na ito ay makikilig, mapapatawa at maiinis


ka sa pagkawalang kwenta ng mga kwentong nandito. Sa mga susunod na mga


taon sigurado akong makakalagay rin ako ng mga ideyang patok sa masa at


pampamilya... ngunit ngayon ay huwag na lamang muna. Sapagkat wala talaga


ako sa tamang pag-iisip upang magisip ng nakakawiling mga ideya sapagkat wala


kaming ELODEA! (tama bah?) Oo tama ang inyong narinig. Sinira ng isang tanim na


nabilang sa kingdom planTAE ang napakasiglang araw ko ngayon. Nakakalungkot


naman talaga ang aming sinapit ngayong araw na ito T_T. Pero OK lang naman,


ang mahalaga'y maging masaya lang tayo kahit nagkandabuhol-buhol na ang


buhay. Dapat ay maging masaya at lagi tayong nakaismayl. Kahit sakupin pa tayo


ng lahat ng tanim at mga puno ( gaya ni treant, prophet at iba pang hero na tanim)


wag kayong magalala dahil mauubos ring ang NADPH at ATP ng mga iyan. Sa lahat


ng aking mga kaklase huwag kayong mag-alala hangga't nakatanim pa sa lupa


ang mga planTAE ay tayo parin ang mamumuno sa mundo. Habang mayroong


Genetic Recombination ay magkakasuper powers tayo!. Kaya huwag mabahala!


Huwag Mangamba! Huwag matakot sa ELOADEA! Mabuhay ang sangatauhan


(MAbuhay!!!(dapat ang response nyo)). Sige hanggang sa susunod mga prepapipz!! Babooh!!!




P.S. Sa mga "eejits" na di nakaintindi ng "emoclew" welcome poh yan pag basahin ng

pabaliktad. :D