Saturday, April 12, 2008

Infatuation... Love then SHIT!


INFATUATION is when I practically lay everything leaving me completely empty just for that ordinary girl which I saw EXTRAORDINARILY...



LOVE is when she doesn't
see what hell of a sacrifice
i am doing and even raises
her left eyebrow to me...
yet I still would not pick
my "everything" up to the
ground coz' I still believe in HER...







SHIT comes when she says she loves me
and tells me to pick up the
garbage i laid for her.

Tuesday, April 1, 2008

10 na bagay na mahirap iwanan sa aking paglisan...


10 Si DRAFUN/DR. EF/ DOKIE/ FUNDY/ Brandy/ tanduay. Kahit ano pa man ang itawag natin sa kanya siya parin ang inang nagpalaki sa atin sa loob ng 4 na taon. Xempre siya ang ika number ten hindi dahil siya ang pinakamataas kundi dahil 1 as d' highest ito.(PEACE) Mamimiss ko rin siya kahit papano. KAhit napaulit-ulit ang kanyang mga sinasabi talaga namang nakatulong ang kanyang mga aral. Gaya na lamang ng keep off d' grass... kitams? green na green ang damo ng PISAY!

9-Ang GAZEBO/KIOSK Ito ay malaking parte na ng buhay PISAY ko, ang mga bonding, libak at kung ano-ano pa mang pangyayari sa aking buhay ang GAZEBO ang saksi.

8- Ang Canteen. Kahit papano di naman sila nakakaserve ng mga pagkaing nasusuka ako. Kahit medyo SOLID na nga talaga ang sabaw ng kanilang mga pagkain ok lang! kahit lasang local ngunit imported ang presyo nila ayos lang! Isa rin naman sila sa mga naksaksi ng ating pagtanda sa PISAY. Isang malaking pasasalamat rin sa kanila!

7 Ang mga couples na walang humpay na nagPi-PDA sa kahit saang sulok na maabot ng iyong mata. Ang mga Couples na di na nahiyang nagiiyakan at nag-aaway sa harap mo. Ang mga couples na laman ng usapan sa grupo². Basta't lahat ng couples mapa 1st year man o 4th year... mapa boto man ang bayan o hindi... mamimiss ko kayo!

6 Ang mga CHICKS ng aming batch. Talagang di matatawaran ang ganda ng mga dalaga sa aking batch. Isa rin sila sa dahilan na mahirap makakalag sa alaala ng hayskul. Isa sila sa nagbigay buhay sa bawat walang kabuluhang klase at basa'g ilok na teacher. Sila ang sumalo sa lahat ng walang kalatoy-latoy na punto sa iyong buhay! SALAMAT!

5-Ang mga klase xempre. Walang makakapantay sa aking mga natututunan sa pisay. Ang mga NADP, polarization, mga integrals, phoenetics, Iliad, Networking at kung ano ano pa. KAhit di ko naman talaga gagamitin ang integrals sa pagbilang ng aking mga barya sa jip, kahit di ko naman talaga bibilangin ang nakukuha kong NDAP sa junk foods, at kahit di ko naman talaga ipopolarize ang ilaw para lamang makakita ako walang duda na mamimiss ko parin ang mga lesson na ito.

4-Ang aking mga guro na kasama ko na ng ilang taon.
Mga gurong naawa sakin para lamang ako ay makatapos ng hayskul. Mga gurong nakasama ko na sa kalokohan. Mga gurong sumuko at nagtimpi sa aking kakulitan. Mga gurong hinding-hindi ko naiintindihan.

3- Ang mga Kalokohan.

Lahat ng DotA moments.
Chikicha magdamagans.

Libak sessions.

Sharing ng mga karumaldumal ng pangyayari.
Panonood ng ANIME hanggang umaga.
Walang humpay na kwentuhan.
Pagsising-along sa mga makalumang tugtugin gamit ang makalumang songhits at makalumang si FLOYD(JOWK!)
Ang mga Labo² moments.
Mga walang silbing IRs
at marami pang iba.


2-Aking roommates+Godfrey.
Talagang mahirap sa akin na umalis ng aking room. Mahirap iwanan ang aking roommates (Geno, James, Floydd) dahil sila na ang aking nakasam sa pagkain, sa pagtulog at sa kalokohan. Dahil sa kanila mas natutunan ko maging INDEPENDENT.Natutunan ko rin kung paano magloko at mag-ayos sa buhay. Natutunan ko kung paano kumuha ng exam na di ka naman nag-aral. Naranasan ko na rin kung paano maging 2nd Honor sa pagiging pinakamakalat na tao sa buong dorm. Room 28, mabuhay ka!

1- Xempre ang aking mga kapatids.

Ang aking kasakasama sa loob ng 4 na taon. Ang
kawawang mga nilalang na nakasaksi ng isang LINUS GO. Kung maaari lamang ay sana di tau magkakahiwa-hiwalay ngunit di nga naman talaga natin mapipigilan ang panahon. Kasabay ng ating mgiging gurang ay kailangan talaga nating magpaalam. Isa kayo sa humahadlang ng aking mga pangarap... sapgkat parang ayaw kong kumilos at abutin ang aking mga minimithi dahil kasabay ng pagabot nito ay ang paglisan sa inyo. Mamimiss ko ang lahat ng ating pinagsamahan. Sa lahat ng aking mga kaibigan, salamat sa inyong pasensya sa apat na madugong taon. Sa aking mga kaaway ako'y sadyang nalulunkot sa inyong sinapit. JOWK! Patawarin nyo ako kung ano mangsira ang naidulot ko sa inyong buhay. Alam ko naman na kahit papano ay natulungan ko kayo sa inyong buhay. Sa aking mga di gaano kilala. Alam kong nakilala nyo ako kahit papano dahil ako naman talaga ay isang napakababaw na tao lamang. Sana ay napasiya ko kayo kahit paminsan minsan. Sa inyong lahat na aking batchmates, salamat sa tulong nyo sa aking pagtanda... di ko na lamang sasabihin na sa aking paglaki sapagkat di naman talaga ako lumaki(LOL). Salamat sa inyo at MAMIMISS ko kayo ng SOBRAAAAAAAA!!! (T_T)